Dy

Kamara nakiramay sa pagpanaw ng Quirino gov

Mar Rodriguez Sep 16, 2026
181 Views

NAKIKIRAMAY ang liderato ng Kamara de Representantes sa pagpanaw ni Quirino Governor at dating congressman Dakila Carlo “Dax” Cua.

Sa pamumuno ni Speaker Faustino “Bojie” G. Dy III, kinilala nito ang mga taon ng tapat na serbisyo publiko ni Cua sa mga mamamayan ng Quirino.

Nagsilbi si Cua bilang kinatawan ng Quirino noong ika-15, 16 at 17 Kongreso. Bago ang kanyang pagpanaw, nagsisilbi rin siya bilang pangulo ng Union of Local Authorities of the Philippines (ULAP) at United Cities and Local Governments Asia Pacific (UCLG ASPAC).

Maaalala si Gov. Dax sa kanyang dedikasyon sa paglilingkod sa mga taga-Quirino at sa kanyang pagsisikap na palakasin ang lokal na pamamahala sa Pilipinas at sa rehiyon ng Asia-Pacific.

Nagpaabot ang Kamara ng taos-pusong panalangin at pakikiramay sa pamilya at mga mahal sa buhay ni Cua, partikular sa kanyang asawa na si Quirino Rep. Midy Cua, gayundin ang mga mamamayan ng Quirino.

“Mananatili ang kanyang alaala bilang isang lingkod-bayan na nag-alay ng panahon at lakas para sa kanyang mga kababayan at sa pagpapalakas ng lokal na pamahalaan,” ayon sa Kamara.