Calendar
Night Market sinimulan sa Palayan
PALAYAN CITY–Naidaos ang pagbubukas ng Palayan City Night Market na pinangunahan ni Mayor Viandrei Nicole Cuevas noong Biyernes.
Kaalinsabay ng pagbubukas nito ay ang paglulunsad ng “Gabi ng Turismo 2026” ng lungsod, isa sa highlights ng selebrasyon ng National Tourism Month.
Ayon kay Cuevas, espesyal ang aktibidad dahil inilunsad ang Palayan City Tourism Song.
Nagpasalamat ang alkalde sa mga dumayo, mga ka-lungsod at bisita mula sa karatig-lugar sa kanilang pagpunta sa siyudad upang maging bahagi ng selebrasyon.
“Despite the rains, you showed up. You stayed. You celebrated. And you made this night, one we will always remember.
Pinuno ninyo ang gabi ng mga ngiti, tawanan at hiyawan,” pahayag ng alkalde.
Tampok din sa selebrasyon ang fireworks display.
Itinampok din sa okasyon ang mga pagtatanghal sa entablado kung saan bumida ang mga lokal na artista.

