SSOs

May-ari ng naiwang bags sa 2 airports natuwa sa SSOs

Jun Nardo Sep 16, 2026
157 Views

NAIBALIK sa tunay na may-ari ang mga bag na naglalaman ng laptops na naiwan ng mga pasahero sa Bacolod-Silay Airport at Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2 noong Setyembre 13, 2026.

Ibinalik ng mga Security Screening Officers (SSOs) ng Office for Transportation Security (OTS) na si April Joy Retita ang mga items ng mapansin sa X-ray roller.

Agad niya itong iniulat sa kanyang supervisor at makalipas ang ilang sandali, isang pasahero ng Cebu Pacific Air Flight DG 6461 patungong Cebu ang humingi ng tulong upang mabawi ang kanyang naiwan na bag.

Matapos ang wastong beripikasyon, naibalik ang gamit sa may-ari.

Sa NAIA Terminal 2, nakapansin si Daniel Hilario ng bag na naiwan sa security screening area kaya ipinaalam ito sa kay Jose Patrick Pastor.

Makalipas ang ilang minuto, bumalik ang pasahero upang kunin ang kanyang laptop.

Bilang bahagi ng beripikasyon, kinailangan ng pasahero na ilagay ang password ng laptop, na matagumpay niyang naipasok, kaya’t naibalik ang gamit sa kanya.

Nagpasalamat ang mga pasahero sa aksyon ng mga SSOs.

Kinilala ni OTS Administrator Undersecretary Gilberto DC Cruz ang mga SSOs sa pagiging alerto at matapat sa pagtupad ng tungkulin.