Magsasaka, ‘nag-sideline’ sa droga, boga
Oct 30, 2026
Calendar
Larawan: PHIVOLCS/FB
Provincial
Burgos sa Ilocos Norte niyugyog ng magnitude 3.9 na lindol
Peoples Taliba Editor
Sep 17, 2026
139
Views
NIYANIG ng magnitude 3.9 na lindol ang bahagi ng Burgos, Ilocos Norte alas-12:50 ng madaling araw nitong Setyembre 17, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).
Tectonic ang pagyanig at natukoy ang sentro nito 24 kilometro hilagang-kanluran ng Burgos, sa lalim na 11 kilometro.
Naitala ang Intensity I sa Pasuquin at Laoag City, habang Instrumental Intensity I naman ang naitala sa Laoag City.
Wala namang inaasahang pinsala o karagdagang aftershock, ayon sa PHIVOLCS.
Magsasaka, ‘nag-sideline’ sa droga, boga
Oct 30, 2026
Laguna gov tututukan infra projects
Oct 29, 2026

