BPPO

BPPO dinala PRBU S.E.R.B.I.S. BILIS caravan sa mga retiradong pulis, seniors

128 Views

BPPO1

KAMPO HENERAL MALVAR—Dinala ng Batangas Police Provincial Office (PPO) sa pangunguna ni Provincial Director PCol. Oliver Ebora ang PRBU S.E.R.B.I.S. BILIS caravan noong Miyerkules sa Bulwagang Barako ng kampo.

Tagumpay ang aktibidad sa pagtutulungan ng PNP Retirement and Benefits Unit (PRBU) at Provincial Administration and Resource Management Unit (PARMU).

Layunin ng outreach program na ihatid sa mga retiradong pulis, senior citizens, at kanilang mga benepisyaryo sa buong lalawigan ang mga mahahalagang serbisyo at impormasyon ukol sa kanilang mga benepisyo at karapatan.

Sa pamamagitan ng caravan, hindi na kinakailangang bumiyahe pa sa malalayong tanggapan ng PRBU ang mga pensiyonado upang mag-asikaso ng kanilang mga dokumento at matugunan ang kanilang mga pangangailangan.

Binigyang-diin ng pamunuan na patuloy nitong pinatitibay ang ugnayan upang maisulong ang hangarin ng PNP na magbigay ng tapat, mabilis, at may malasakit na serbisyo sa bawat sektor ng lipunan—lalo na sa mga naglingkod sa bayan.