Batangas

Hepe ng Batangas police na si PCol. Ebora dinalaw ng 2 parak

117 Views

Batangas1

KAMPO HENERAL MALVAR–Tinanggap ni PCol. Oliver Ebora, director ng Batangas Police Provincial Office, sina PMaj. Paul Joshua Chalwangco at PLt. Joshua Arbilo mula sa 403rd RMFB 4A sa courtesy call noong Martes.

Ang pagbisita ay pagkakataon upang patatagin ang koordinasyon at pagbutihin ang pagtutulungan ng mga yunit ng Batangas PPO at Regional Mobile Force Battalion 4A sa pagtataguyod ng kapayapaan at kaligtasan ng publiko.

Nakatuon ang Batangas PPO sa pagbuo ng matibay na ugnayan sa lahat ng yunit ng PNP at mga stakeholder alinsunod sa bisyon ng pulisya.