MWP

Akusado ng panghahalay tiklo sa Lipa, Lingig pulis

170 Views

MWP1

LIPA CITY, Batangas — Nahuli noong Martes ang no. 4 Most Wanted Person sa Provincial Level ng Surigao del Sur dahil sa kasong rape sa operasyon sa Brgy. 1 ng siyudad na ito.

Kinilala ang naarestong akusado na si alyas Rene.

Dakong alas-10:17 ng umaga ng arestuhin ng Warrant Section, Intelligence Section, at WCPD ng Lipa police katuwang ang Lingig police ng Surigao del Sur, ang suspek para sa tatlong kaso ng rape.

Inisyu ni Presiding Judge Merlyn B. Pacaro-Cañedo, ng Regional Trial Court, Branch 29, ng Bislig City, Surigao del Sur ang warrant of arrest laban sa suspek.

Walang iginawad na piyansa para sa pansamantalang kalayaan ng akusado.

Kasalukuyang inihahanda na ang mga kaukulang dokumento para sa pagsusumite ng return of warrant sa pinanggalingang hukuman.