Vic Reyes

Abandoned shipments, smuggled goods dapat madispatsa agad

Vic Reyes Jul 27, 2025
236 Views

MAGANDANG araw sa ating mga tagasubaybay, lalo na sa mga kababayan natin sa Japan, Oman, Saudi Arabia, at ibang panig ng mundo.

Binabati natin sina Ma. Theresa Yasuki, La Dy Pinky, Patricia Coronel, Roana San Jose, Endo Yumi, Winger dela Cruz, Yoshiko Katsumata, Mama Aki ng Ihawan,Josie Gelo, Hiroki Hayashi, at syempre kay Hiroshi Katsumata.

Binabati rin natin si Joann de Guzman at mga kasama niya sa Oman; Dolores Monfero, Delia Sunga ng Saudi Arabia.

Nawa’y nasa mabuti at ligtas kayong kalagayan.

God Bless!

Para sa inyong reaksyon at pagbati. Mag-text sa +63 9178624484/email: vicreyes08@yahoo.com. Ilagay lang ang buong pangalan at tirahan.

****

Siguradong tututukan ngayong araw ng sambayanan ang ika-apat na state of the nation address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.

Dahil sa matinding dinanas ng bansa kaugnay ng malalakas na bagyong nanalasa, nanawagan si Rep. Ferdinand Martin Romualdez ng “toned-down”SONA event, without the usual “show of pageantry,”

Sana nga ay tigilan na ng mga mambabatas ang pagpapakita ng mararangyang kasuotan tuwing araw ng SONA.

Mantakin niyo, naghihirap ang sambayanang Pilipino pero sila nagpapayabangan pa.Nakakahiya!

***

Dapat lahat ng mga abandoned shipments at seized smuggled goods ay madispatsa kaagad.

Hindi dapat patagalin sa mga bodega ang mga ito.

Lalo na ang mga perishable goods na puwede pang pakinabangan ng tao.

Kung maaari lang, ibigay na ang mga ito sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) o local government units.

Pakikinabangan ito ng mga biktima ng mga kalamidad, kagaya ng bagyo at baha.

Lalo na ang mga nasa evacuation centers ngayon sa iba’t ibang parte ng bansa.

Ang ibang shipments naman ay isubasta na para magamit ang pera sa ibang programa ng BOC.

Tama ba, Finance Secretary Ralph Recto at Customs Commissioner Ariel S. Nepomuceno?

***

Panahon na ng tag-ulan sa Pilipinas. Sa katunayan, limang bagyo na ang nanalasa sa bansa.

Ang masakit nga lang, imbes na pakinabangan ng mga magsasaka ang tubig ulan, perhuwisyo pa ang dulot nito, Marami sa kanila ang nalugi dahil sa dami ng mga nasirang pananim.

Bukod sa mga palayan, marami ring gulayan ang sinira ng bagyo na dapat sana ay puwede ng anihin.

Isa pa, halos ipamigay na lang din ang mga gulay na inani dahil hindi naman madala sa merkado gawa nang maraming daan ang lubog sa tubig-baha.

Maraming magsasaka ang talaga namang nalugi.

Kailangang-kailangan nila ng tulong mula sa pamahalaan.