Just In

Calendar

May 2026
M T W T F S S
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
25262728293031
Acidre

Acidre: Mga senador wag gamiting panangga Kamara, Speaker Romualdez

205 Views

NAGBABALA si House Committee on Higher and Technical Education chairman Jude A. Acidre ng Tingog Party-list laban sa ilang senador na umano’y ginagamit ang Kamara de Representantes at si Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez bilang panangga para mabigyang-katwiran ang pagsuway ng Senado sa impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.

“Let’s not twist the narrative. The House did its job, and we followed the process. Kung may dapat magpaliwanag ngayon, hindi ang Kamara kundi ang Senado. You can’t defend one branch of government by attacking another,” ani Acidre.

Ginawa ni Acidre ang pahayag matapos ipahiwatig ni Senate President Chiz Escudero na maaaring may ambisyong pampulitika sa likod ng impeachment, at matapos manawagan si Sen. Imee Marcos na palitan si Speaker Romualdez.

“These are dangerous statements that cross a line. Tama na ang parinigan o intrigahan. Alam naman nating lahat na this is about accountability, not ambition. The Speaker presided over a constitutional process, not a political operation,” giit ni Acidre.

Binigyang-diin ng mambabatas na ginampanan ng Kamara, sa pamamagitan ng boto ng 215 miyembro, ang tungkulin nito sa ilalim ng Konstitusyon na ihatid sa Senado ang beripikadong Articles of Impeachment. Hindi aniya ito dapat ibaba sa antas ng personal na pulitika.

“When over 200 members vote in favor of impeachment, that’s not just one man’s decision. That’s the House speaking as an institution. Calling it a political maneuver is not only unfair, napaka-misleading nito,” dagdag niya.

Iginiit din ni Acidre na ang mga isyung nakapaloob sa reklamo ay nakaugat sa mga usaping mahalaga sa publiko, lalo na sa paggamit ng confidential funds ng Pangalawang Pangulo.

“Nag-umpisa ito dahil may tanong ang taumbayan. Hindi ito tungkol sa 2028 o kung sino ang gusto sa puwesto. Let’s not insult the intelligence of our people,” ani Acidre.

Binigyang-diin din niya na ang naging hakbang ng Senado na i-archive ang reklamo ay hindi nangangahulugang tapos na ang isyu, at lalong hindi nito nawawala ang obligasyon ng gobyerno na magpaliwanag sa taumbayan.

“Just because the Senate dropped the case doesn’t mean the issue disappears. The public is still waiting for answers. Deflection is not accountability. The Senate must deal with the fallout brought about by their own decision,” dagdag pa niya.

“Maiiwasan naman ang batikos ng publiko kung hinintay lang ng Senado ang final decision ng Supreme Court sa Motion for Reconsideration ng House. Pero parang nagmamadali, at mukhang naghahanap sila ng scapegoat,” dagdag pa ni Acidre.

Sinabi rin ni Acidre na nanatiling “calm, consistent and constitutional” si Speaker Romualdez sa buong proseso at hindi siya nagpadaig sa mga ingay na may halong pulitika.

“He allowed the House to vote freely, and he stood by that vote. Ano pa ba ang gusto niyong gawin ng isang leader? That’s what real leadership looks like,” ani Acidre.

Pinaalalahanan din ng mambabatas ang mga senador na igalang ang kalayaan ng Kamara, lalo na kung may pagkakaiba ng pananaw.

“Konting respeto naman. You don’t protect one institution by disrespecting another. We can disagree on the outcome, but don’t question our motives when all we did was follow the rules,” ani Acidre.

“Panahon na para ibalik sa sentro ng usapan ang taumbayan. Let’s stop the noise and start answering the questions that matter,” pagtatapos ni Acidre.