Just In

Calendar

May 2026
M T W T F S S
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
25262728293031
Abante

Abante: Pag-archive ng Senado sa impeachment banta sa pagkakaroon ng pananagutan ng mga opisyal

262 Views

IPINAHAYAG ni House Committee on Human Rights chairman Bienvenido “Benny” Abante Jr. ang kanyang matinding pangamba sa naging desisyon ng Senado na i-archive ang impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte, na tinawag niyang isang “dangerous precedent” na nagpapahina sa constitutional process upang magkaroon ng pananagutan ang mga matataas na opisyal ng gobyerno.

“The Senate’s action sends the wrong message: that accountability may be set aside. That should never be the case in a democracy governed by laws,” ani Abante.

Nagbabala si Abante na maaaring lumakas ang loob ng mga opisyal ng gobyerno na balewalain ang mga tanong ukol sa kaangkupan o legalidad ng kanilang kilos—lalo na kung sila ay popular sa politika o tinitingnang posibleng kumandidato sa mas mataas na posisyon.

“The impeachment process is not about 2028. It is about whether public funds were used during a time when no legal mandate had yet been conferred to an office. That is a clear question of constitutional integrity—not political ambition,” diin ni Abante.

Binatikos din ni Abante ang ilang senador na mistulang hindi sineryoso ang reklamo at agad itong binansagang politically motivated, nang hindi tinatalakay ang nilalaman ng mga alegasyon.

“Impeachment is not a political circus. It is a constitutional mechanism designed to hold high officials accountable. When we reduce it to mere political noise, we erode the very institutions we swore to uphold,” aniya.

Binigyang-diin niya na sinunod ng House of Representatives ang tamang proseso at kumilos alinsunod sa kanilang konstitusyonal na kapangyarihan nang ipasa ang reklamo sa Senado matapos makuha ang kinakailangang one-third vote ng lahat ng miyembro.

“The House did not weaponize impeachment—we exercised it in accordance with the Constitution. The question before us was not ‘Who wants to run in 2028?’ but ‘Were public funds used in a manner that requires accountability?’” tanong ni Abante.

Iginiit niya na nararapat lamang na ang taumbayan, lalo na ang kabataan, ay mabigyan ng mas magandang ehemplo mula sa mga nasa kapangyarihan.

“What are we teaching the next generation? That popularity shields you from accountability? That ambition is more important than truth?” tanong pa niya.

Bagama’t kinikilala niya ang kapangyarihang institusyonal ng Senado, sinabi ni Abante na hindi pa tapos ang usapin, dahil naghain na ng Motion for Reconsideration ang House prosecution panel sa Korte Suprema.

“This fight for truth is not yet over. The legal process continues, and more importantly, so does the public’s judgment,” ani Abante.