Just In

Calendar

May 2026
M T W T F S S
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
25262728293031
Lanao del Sur 1st District Rep. Zia Alonto Adiong Lanao del Sur 1st District Rep. Zia Alonto Adiong

Adiong: Quad Comm 2.0 dapat tapusin imbestigasyon sa mga nais patahimikin ng pananakot, politika

247 Views

IGINIIT ni Lanao del Sur 1st District Rep. Zia Alonto Adiong ang kahalagahan na muling balangkasin ng Kamara de Representantes ang quad committee upang maipagpatuloy ang nasimulang imbestigasyon noong nakaraang Kongreso at marinig ang boses ng mga nais patahimikin ng pananakot at politika.

Ayon kay Adiong, ang pagbalangkas sa House Quad Comm 2.0 ay hindi lamang kinakailangan kundi isang pagsubok sa tunay na paninindigan ng Kamara sa pagkakaroon ng pananagutan ng mga opisyal ng gobyerno sa kanilang ginagawa upang maibalik ang tiwala ng publiko.

“We need Quad Comm 2.0 because the fight for truth is not yet over. The people deserve to know what was hidden, who was protected, and why justice has been delayed for so long. We owe them closure, not cover-ups,” ani Adiong, isang lider ng “Young Guns” bloc sa Kamara.

Ang unang quad comm, na binubuo ng mga komite ng Kamara sa dangerous drugs, public order and safety, human rights, at public accounts, ay binuo noong 2024 upang imbestigahan ang pangamba kaugnay ng pagdami ng krimen na may kaugnayan sa Philippine offshore gaming operation (POGO) at ang umano’y ugnayan nito sa mga seryosong krimen, kalakalan ng iligal na droga, umano’y iligal na pagmamay-ari ng Chinese nationals ng lupa sa Pilipinas, at ang mga extrajudicial killings (EJKs) na may kaugnayan sa war on drugs campaign ng administrasyong Duterte.

Nauna nang nanawagan sina Manila Rep. Bienvenido “Benny” Abante Jr., dating Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers at dating Sta. Rosa City Rep. Dan Fernandez na buhayin ang quad comm sa 20th Congress.

Nagbabala sila na hindi dapat hayaang tuluyang mabaon sa limot ang mga imbestigasyon sa mga pagpaslang kaugnay ng droga, mga sindikatong konektado sa China at katiwalian sa pamahalaan.

Noong 19th Congress, pinamunuan nina Abante, Barbers at Fernandez ang mga komite sa human rights, dangerous drugs, at public order and safety, ayon sa pagkakasunod.

Unang inihain nina La Union Rep. Paolo Ortega V at Adiong—dalawang pangunahing miyembro ng House Young Guns—ang panawagan na buhayin muli ang quad comm.

Sa kabuuan, nakapagsagawa ang quad comm ng 15 pagdinig kung saan nabunyag ang nakakabahalang koneksyon sa pagitan ng mga sindikato, ahensya ng gobyerno at mga kilalang personalidad.

Ngunit maraming tanong ang naiwan nang mapunta sa iba ang atensyon ng publiko, lumakas ang political pressure at nagsimula ang kampanya para sa May 2025 midterm elections.

“We were pulling at the threads of something deeper—systemic abuse, orchestrated cover-ups, and a culture of fear that infected our institutions,” ani Adiong.

Dagdag pa niya: “But just as the truth began to surface, efforts to derail the process intensified. Investigations were stalled. Political noise took over. Witnesses disappeared. What was left was an unfinished mission.”

Sinabi ni Adiong na sa pamamagitan ng Quad Comm 2.0, maipagpapatuloy ng Kamara ang pagganap sa oversight function nito hindi lamang sa mga indibidwal na paglabag kundi sa mga senyales ng bulok sa mga institusyon.

Ang layunin, aniya, ay ibalik ang pananagutan at palakasin ang mga demokratikong mekanismo ng check and balance.

“This is unfinished business. We must answer the questions that were never allowed to be fully asked. We must complete investigations that were deliberately cut short. And we must repair the damage done to our democratic institutions by years of silence, fear and disinformation,” wika ni Adiong.

Dagdag niya, muling sisiyasatin ng pinagsanib na komite ang mga bagong lumilitaw na isyu kaugnay ng iligal na droga, EJKs, kaayusang panlipunan at korapsyon sa paggamit ng pondo ng bayan.

“This is not about vengeance. It’s about responsibility. We are not looking back to punish—we are looking back to prevent this from ever happening again,” sabi ni Adiong.

Binanggit niya na ang mga naunang ginawa ng quad comm ay nagsilbing pundasyon ng mahahalagang reporma at kamalayang-bayan, ngunit marami pa ang kailangang gawin.

“Truth does not expire. And justice, no matter how delayed, is still justice worth demanding. The Filipino people have waited long enough. It’s time to finish what we started,” diin ni Adiong.