Calendar
Provincial
Akusado ng 10 counts ng acts of lasciviousness tiklo
Jojo Cesar Magsombol
Dec 14, 2024
601
Views
KAMPO HENERAL MIGUEL MALVAR, Batangas–Nahuli ng mga miyembro ng Agoncillo police ang isang akusado ng 10 counts ng acts of lasciviousness sa Brgy. Coral na Munti, Agoncillo, Batangas noong Huwebes.
Naaresto ang akusadong si alyas Nestor pasado alas-12:35 ng tanghali dahil sa warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Mary Jane Valeza-Maranan ng Regional Trial Court (RTC) Fourth Judicial Region Branch 5 ng Lemery, Batangas.
Kasama sa warrant ang inirekomendang piyansa na P180,000 sa bawat bilang ng kaso para sa pansamantalang paglaya ng suspek.
Kasalukuyang nakakulong ang akusado sa Agoncillo police detention facility.
PNP, PCA nag-collab sa pagtanim ng puno
Aug 25, 2026
Ex-miyembro ng CTG nagbalik-loob sa gobyerno
Aug 25, 2026
UPLB 4PH Rental Housing Project ginagawa na
Aug 24, 2026
PAGDINIG SA ZAMBOANGA SCHOOL SHOOTING
Aug 24, 2026
2 arestado sa P1.5M Kush na halagang P1.5M
Aug 24, 2026
7 nasapot ng parak sa sabong ng gagamba sa Batangas
Aug 24, 2026
