BBM-Sara

ALAMS suportado BBM-Sara tandem

252 Views

NAGSAGAWA ng pagtitipon ang grupong Alliance of Leaders & Advocates for Marcos-Sara (ALAMS) sa kahabaan ng Parola Compound, Tondo, Manila upang ipakita ang kanilang suporta kay presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. (BBM) at Davao City Mayor Inday Sara Duterte na tatakbong vice president sa darating na halalan sa Mayo 9, 2022.

Inilunsad lang nitong ika-21 ng Pebrero ang pinakamalaking alyansa ng mga lider at kasapi ng maralitang taga-lungsod ang kanilang samahan na sumusuporta sa BBM-Sara UniTeam.

Bago magsimula ang programa ay naglakad ang grupo patungong covered court ng Parola Gate 20, sa Tondo at nagsimula ng alas 9:00 ng umaga hanggang alas-12 ng tanghali na dinaluhan ng humigit kumulang 2,000 kinatawan ng lider kabilang si Mike Garcia, kasama ang kanyang mga miyembro at bumubuo ng ALAMS mula sa iba’t-ibang lugar mula sa Metro Manila.

Bahagi ng kanilang pagtitipon ay ang pagpirma nito sa isang manipesto sa “Pitong Puntos ng Programa” na nais nilang ipaabot sa BBM-Sara tandem.

Sa kasalukuyan, ang samahan ay mayroong 44 chapters sa lahat ng siyudad ng Metro Manila at membership na aabot sa 150,000. Layunin ng samahan na makakalap ng 1.4 milyon na kasapi mula sa sektor upang maibigay ang kanilang suporta at solidong boto kay BBM at Sara sa darating na halalan. Jon-jon Reyes at C.J Aliño