Calendar
Alas asin napiling mahusay na barangay
MARIVELES, Bataan–Napili ang Alas asin ng bayang ito na isa sa mga mahusay na barangay sa buong bansa.
“Isang karangalan ang mapabilang sa mga kinilala sa 2026 B.E.S.T. Barangay (Building Excellence in Service and Transparency for Barangay) ng municipality of Mariveles,” sabi ni Kapitan Dante Malimban.
Hindi ito ang unang pagkakahirang sa Alas asin dahil sunud-sunod itong nabigyan ng awards–mula national, regional at provincial–sa mga nagdaang taon.
Tinawag na”Aksiyon man” ang kapitan dahil sumasaklolo sa kanyang mga kabarangay pagdating ng kalamidad.
“Ang pagkilalang ito ay bunga ng mabuting pamamahala, tapat na paglilingkod at sama-samang dedikasyon ng ating Punong Barangay Dante Malimban at ng buong Sangguniang Barangay sa patuloy na paghahatid ng mahusay na serbisyo publiko para sa bawat Alasasinian.
Maraming salamat sa tiwala at suporta ng ating mga mamamayan,” dagdag pa ng Brgy. Alas asin.
