Bam2 Sen. Bam Aquino

Aquino nais itaas ’27 educ budget mula sa 3.5% ng GDP

135 Views

NANAWAGAN si Sen. Bam Aquino na itaas sa humigit-kumulang 4 percent ng gross domestic product (GDP) ang panukalang 2027 education budget na sa kanyang pagtaya ay nasa 3.5 percent lamang ng GDP.

Sinabi ni Aquino na umabot sa P1.34 trilyon ang education budget ngayong taon, katumbas ng humigit-kumulang 4 percent ng GDP.

“In our computation, nasa humigit-kumulang 3.5 percent of GDP ang 2027 education budget,” sabi ni Aquino.

Kumpiyansa siyang maibabalik ng Senado sa humigit-kumulang 4 percent ng GDP ang panukalang education budget sa deliberasyon ng Kongreso.

Kabilang sa mga pangangailangang binanggit ni Aquino na nangangailangan ng pondo ang school safety, classroom construction, feeding programs at Academic Recovery and Accessible Learning (ARAL) program ng Department of Education.

Nakasalalay sa mga prayoridad ng pamahalaan ang pagpapasya kung saan ilalaan ang pondo, ayon sa senador.

“It’s a matter of political will. Kung…nais natin mapondohan ‘to, mapopondohan natin ‘to,” sabi niya.

Dadaan pa sa deliberasyon ng Kongreso ang panukalang education budget bago maaprubahan ang 2027 national budget.

Umaasa siyang madaragdagan ang pondo para sa edukasyon bago matapos ang budget process sa Disyembre.