Calendar
Bilang dating Director ng NBI nagbigay ng isang saludo at pasasalamat si Director Jaime B. Santiago matapos tanggapin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos J. ang kanyang pagbibitiw. Binati niya rin ang itinalagang OIC Director ng NBI na si Atty. Angelito ‘Lito’ Magno.JONJON C. REYES
Assistant Director Lito Magno itinalagang NBI OIC kapalit ni Jaime Santiago
PINANGUNAHAN ni outgoing NBI Director Jaime Santiago ang isang press conference kaugnay sa pagtanggap ni Pangulong Ferdinadinand R. Marcos Jr. sa kanyang hindi na mabaabwing pagbibitiw sa pwesto nitong Lunes.
Itinalaga ni Pangulong Marcos si Atty. Angelito ‘Lito’ Magno bilang officer-in-charge (OIC) ng ahensya.
Ipinadala ni Santiago ang kanyang liham ng pagbibitiw sa Malacañang noong Agosto, kung saan binanggit niya na may mga “kritiko at mga taong may masamang hangarin sa aking posisyon na patuloy na gumagawa ng hakbang upang dungisan ang aking reputasyon.”
“Ngayon ay ipinaalam sa akin na sa wakas ay tinanggap na ng Pangulo ang aking hindi mababawi na pagbibitiw,” ani Santiago.
Pinasalamatan ni Santiago ang mga tauhan at ahente ng NBI sa kanilang suporta sa kanyang panunungkulan bilang NBI chief at pinayuhan silang ipagpatuloy ang kanilang magandang trabaho.
Matatandaan na noong Agosto, nagbitiw si Santiago sa kanyang puwesto, na nagsasabing “walang humpay” na gumawa ng mga hakbang ang “detractors and those who have sinster interest” sa kanyang posisyon para siraan ang kanyang reputasyon.
Sa papalit sa kanyang pwesto, sinabi ni Santiago na sana’y ipagpatuloy nito ang nasimulan ng NBI na masugpo ang kriminalidad sa bansa.
Samantala ayon pa rin sa NBI, si Magno ay nagsilbi bilang NBI Assistant Director at pinamunuan ang mga tanggapan sa Northern Mindanao at Central Luzon, kung saan pinangangasiwaan niya ang mga kaso na kinasasangkutan ng human trafficking, organisadong krimen, at pandaraya sa bansa.

