Hot News

Babae nanaksak ng pasahero sa jeep, pinaghahanap

55 Views

PINAGHAHANAP na ng Quezon City Police District (QCPD) ang hindi pa nakikilalang babae na umanoy nanaksak ng 24-anyos na pasahero sa loob ng jeep sa Quezon City.

Sa ulat kay QCPD director, P/BGen Randy Glenn Silvio, alas-7:30 ng umaga noong Hunyo 9, sumakay ang biktima sa jeep sa kahabaan ng Marcos Highway sa Pasig City at kalaunan ay nakatulog habang nasa biyahe.

Habang binabagtas ng jeep ang Aurora Boulevard, ay bigla na lamang sinaksak ng suspek na nakasuot ng face mask, dilaw na sando, maong pantalon, puting rubber shoes, at may bitbit na backpack, ang pasahero saka tumalon sa sasakyan at tumakas.

Nagtamo ng mga sugat sa kaliwang hita at kaliwang braso ang biktima na isinugod sa Rizal Medical Center, kung saan nasa maayos na itong kalagayan.

Sinusuri na ng mga awtotidad ang mga CCTV sa lugar para matukoy at mahanap ang suspek.

“We urge the public to report any information that may lead to the suspect’s identification to the nearest police station or dial E911/QC Helpline 122. Ang inyong impormasyon ay malaking tulong upang agad nating matukoy at maaresto ang suspek,” pahayag ng QCPD chief.