Dahil sa pagnanakaw, lalaki nasakote
Nov 3, 2026
Calendar
Provincial
Babae tigok, kasama sugatan sa pamamaril
Jojo Cesar Magsombol
Jan 6, 2025
532
Views
DEDO noong Lunes ang isang babae at sugatan naman ang lalaki matapos pagbabarilin sa kanilang bahay sa Sitio Cyo, Brgy. Barualte, San Juan, Batangas.
Napatay si Teodora Galora Galino at sugatan si Arcangel Armamento Patal, ayon sa mga pulis.
Kinilala ng mga pulis ang mga suspek sa pagpatay na sina alyas Andrew, alyas Nemecio, alyas Herman at ang isang hindi kilalang lalaki.
Dumating ang mga suspek sa lugar at sa hindi malamang dahilan puwersahang pinasok ang bahay ng mga biktima bandang alas-10:51 ng gabi ng Enero 5.
Ayon sa mga pulis, armado ng hindi pa mabatid na kalibre ng baril ang mga suspek at pinaputukan ng ilang beses ang dalawang biktima at tumalilis na patungo sa hindi malamang direksyon pagkatapos ng pamamaril.
P341K na shabu nasamsam sa San Jose del Monte
Nov 3, 2026
6,000 kriminal lagas sa CALABARZON
Nov 3, 2026
Magsasakang wanted sa droga swak sa kulungan
Nov 2, 2026
Dating Abucay mayor pumanaw noong Undas
Nov 2, 2026

