Ex-jowa pinatay ni kagawad; pumatay kalaboso
Apr 24, 2026
Calendar
Nation
Bagong bagyo posible sa loob ng 24 oras
Melnie Ragasa Jimena
Oct 14, 2025
791
Views
MAY posibilidad na maging bagyo ang low pressure area (LPA) na namataan sa silangan ng Southern Mindanao sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) alas-4 ng madaling-araw nitong Martes huling namataan ang LPA sa layong 1,785 kilometro sa silangan ng Southern Mindanao.
Patuloy pa umanong minomonitor ng ahensiya ang LPA na may ‘medium chance’ na maging tropical depression sa loob ng susunod na 24 oras.
Posible umanong pumasok ito sa PAR bago matapos ang linggo, na kapag naging bagyo ay papangalanang “Ramil”.
Ex-jowa pinatay ni kagawad; pumatay kalaboso
Apr 24, 2026

