Bagyong Neneng pasok na sa PAR

176 Views

TROPICAL depression na ang low-pressure area (LPA) sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR) at pinangalanang Neneng ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa).

Batay sa advisory ng Pagasa alas-2:00 ng hapon, namataan ang sentro ni Neneng sa 1,035 kilometro silangan ng extreme northern Luzon.

Taglay nito ang lakas ng hanging 45 kilometro bawat oras malapit sa sentro at pagbugsong hanggang 55 kilometro bawat oras.

Kumikilos ito pakanluran-hilagang-kanluran sa bilis na 20 kilometro bawat oras.

Binabantayan ng Pagasa ang isa pang LPA sa loob ng PAR na nasa 450 kilometro kanluran ng Calayan, Cagayan.

Mataas ang posibilidad nitong maging tropical depression sa loob ng susunod na 24 oras.

Minomonitor din ang isa pang tropical depression sa labas ng PAR na tinatayang nasa 3,160 kilometro silangan ng northeastern Mindanao.

Taglay nito ang hanging hanggang 45 kilometro bawat oras at pagbugsong hanggang 55 kilometro bawat oras.