BBM1

BAKWIT BINISITA, MAY AYUDA MULA KAY PBBM

174 Views

Ilang oras matapos ang kanyang pagdating mula sa Estados Unidos matapos ang isang tatlong-araw na opisyal na pagbisita, ay namahagi si Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. nitong Huwebes ng tulong sa mga evacuee o bakwit na pansamantalang nanunuluyan sa Maly Elementary School sa San Mateo, Rizal. Alinsunod sa utos ni Pangulong Marcos, ang Department of Social Welfare and Development ay namimigay ng tulong gaya ng family food packs, hygiene kits, sleeping kits, family water filtration kits, at ready-to-eat meals para sa mga naapektuhan ng pagbaha dulot ng habagat. Kuha ni ALFRED FRIAS