ARTA Isang Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan ng Bataan at Anti-Red Tape Authority (ARTA) ang nilagdaan noong Huwebes nina Gov. Joet Garcia Secretary Ernesto Perez ng ARTA upang paigtingin ang serbisyo publiko sa mga taga-Bataan.

Bataan magkakaroon ng satellite office ng ARTA

Christian Supnad Feb 28, 2026
342 Views

BALANGA CITY, Bataan–Pumirma ng noong Huwebes ng memorandum of agreement (MOA) ang Bataan at Anti-Red Tape Authority (ARTA) para sa pagbubukas ng satellite office ng huli sa lalawigang ito.

Nanguna si Secretary Ernesto Perez sa ARTA at si Gov. Joet Garcia ang kinatawan ng lalawigan sa pirmahan ng MOA.

Sinabi ni Gov. Garcia na ilalagay ang ARTA satellite office sa 1Bataan One-Stop Service Center for OFWs (1BOSSCO) sa The Bunker upang mas mapalapit ang mga serbisyo ng nasabing tanggapan sa mga taga Bataan.

“Ikinagagalak din ng inyong lingkod na ang 1BOSSCO ay gagawin nilang modelo ng Business One-Stop Shop sa ibang mga lalawigan sa buong bansa na patunay sa ating patuloy na pagsisikap na gawing simple, mabilis, at maaasahan ang pakikipagtransaksyon sa pamahalaan,” sabi ni Gov. Garci.

Ibinahagi ni Sec. Perez ang mga pangunahing inisyatibo ng ARTA para sa mas mahusay na serbisyo publiko at hinikayat ang mga lumahok na kinatawan ng mga yunit ng pamahalaang lokal na makibahagi sa pagpapabuti ng paghahatid ng serbisyo sa ating mga kababayan.