Calendar
Batangas police may bagong hepe
NAGSIMULA na sa trabaho si P/Col. Marlon Rufo bilang bagong provincial director ng Batangas police sa turnover ceremony na dinaluhan ni P/BGen. Melvin Napiloy, Deputy Regional Director for Administration ng Police Regional Office (PRO)-4A bilang kinatawan ni PBGen. Paul Kenneth Lucas, hepe ng PRO-4A.
Ang seremonya ay pinangunahan ni Gob. Vilma Santos-Recto bilang panauhing pandangal at tagapagsalita, na kinatawan ni Arcadio L. Ronquillo Jr., pinuno ng Provincial Public Order and Safety Department (PPOSD) ng Batangas.
“Sa bagong itinalagang provincial director, kayo po ay susuportahan ng pamahalaang panlalawigan.
Kami po ay kaisa ninyo sa pagsusulong ng kapayapaan at kaayusan at inaasahan din po namin ang inyong suporta sa mga programa ng ating gobernador,” sabi ng gobernador.

