Bato1

Bato hinimok na makipagtulungan sa legal na proseso

40 Views

NANAWAGAN si Senadora Risa Hontiveros kay Senador Ronald “Bato” dela Rosa na igalang ang batas at makipagtulungan sa legal na proseso matapos ang pinakahuling pahayag ng Department of Justice kaugnay ng kanyang sitwasyon.

“The rule of law should always prevail. Dapat manaig ang pagrespeto sa batas at prosesong legal,” sabi ni Hontiveros.

Muling hinimok ni Hontiveros si Dela Rosa na sumailalim sa mga proseso ng batas at makipagtulungan sa mga awtoridad.

“Inuulit ko ang aming panawagan kay Senator Dela Rosa: Igalang ang batas, at mag-submit at makipagtulungan sa mga alagad at proseso ng batas,” wika niya.

Ang pahayag ay inilabas habang patuloy na pinag-uusapan ang legal na sitwasyon ni Dela Rosa sa Senado, na kasabay ring humaharap sa epekto ng insidente noong Mayo 13 sa loob ng kapulungan at sa hiwalay na impeachment proceedings laban kay Vice President Sara Duterte.

Sinabi ni Hontiveros na umaasa siya sa mapayapa at naaayon sa batas na pagresolba sa isyu.

“I pray for the peaceful and lawful resolution of this situation which has already affected multiple institutions, and the entire country itself,” sabi niya.

“May justice be served,” dagdag pa niya.

Naganap ang insidente noong Mayo 13 sa Senado sa gitna ng tensyon kaugnay ng mga ulat tungkol sa umano’y posibleng pag-aresto kay Dela Rosa. Mula noon, nanawagan ang ilang senador ng pananagutan, pagrepaso sa mga kilos-pangseguridad, at malinaw na paglalahad ng tunay na nangyari sa loob ng Senado.