CCTV

Bawat isa sa 897 bgy sa Manila maglalagay ng 10 CCTV

Edd Reyes Jun 26, 2026
124 Views

OBLIGADO mag-install ng hindi bababa sa 10 closed circuit televisions (CCTVs) ang lahat ng 897 barangay sa Maynila para mahadlangan ang krimen.

Sa ilalim ng City Ordinance No. 9152, Series of 2026 na inakda ni Councilor Rosalino “Jhun” Ibay, ang bawat barangay obligadong maglagay hindi bababa sa 10 CCTV sa mga lugar na madalas kaganapan ng krimen.

Sa panayam ng Manila City Hall Press Club (MCHPC) kay Councilor Ibay, pirmado na ni Mayor Isko Moreno Domagoso ang ordinansa na naipasa ng mayorya ng Sangguniang Panlungsod.

Sinabi ni Konsehal Ibay na ang mga tauhan ng Manila Police District (MPD) na nakakasakop sa kani-kanilang barangay ang makakatuwang sa paglalagay ng mga CCTVs sa istratehikong lugar na madalas kaganapan ng krimen.

May parusahan mula sa pagkakasuspinde hanggang sa pagkakasibak sa tungkulin ang sinumang barangay captain na hindi tatalima sa ordinansa.