Calendar
Larawan: MENRO Roxas, Palawan/FB
Bihirang Palawan Leopard Cat ibinalik sa gubat


ISANG bihirang Palawan Leopard Cat o “tamaral” ang matagumpay na naibalik sa kagubatan ng Roxas, Palawan matapos itong matagpuan ng isang residente noong Abril 6, 2026.
Ayon sa ulat, ang nasabing kuting na may habang 37 sentimetro ay nakita sa Barangay Malcampo, Roxas, Palawan habang kumakain ng mga alagang sisiw. Dahil dito, pansamantala itong kinulong ng nakakita bago agad i-report sa mga awtoridad.
Agad namang rumesponde ang Municipal Environment and Natural Resources Office sa pamumuno ng lokal na pamahalaan, katuwang ang Palawan Council for Sustainable Development, upang suriin ang kalagayan ng hayop.
Matapos matiyak na nasa maayos itong kondisyon, agad ding ibinalik ang tamaral sa natural nitong tirahan sa kagubatan.
Pinuri ng mga awtoridad ang residente na nag-turn over ng hayop, na anila’y patunay ng patuloy na malasakit ng mga mamamayan sa pangangalaga ng wildlife at kalikasan sa Palawan.
