Calendar
Marijuana resin na tinagong ‘clothing materials’ bukayo sa Clark airport
HALOS isang kilong marijuana resin na may halagang halos P58,000 na inismuggle sa Clark International Airport ang naharang ng mga otoridad, ayon sa Philippine National Police Aviation Security Group director.
Sinabi ni Brigadier General Dionisio Bartolome na idineklarang clothing materials ang mga droga pero nabuking sa Clark Airport Cargo Facility matapos lumabas ang suspicious image sa examination ng Bureau of Customs X-ray examiner.
Doon na umentra ang ang miyembro ng Clark Inter-Agency Drug Interdiction Task Group at nakumpirmang droga ang laman ng pakete.
Ayon kay Bartolome, may nakasulat na “men’s relaxed fit hiking jeans” sa pinaglalagyan ng mga droga na galing sa US at naka-consign sa isang taga-Valenzuela City.
Sa loob ng paketa, nakita ang dalawang plastic pouches na puno ng sticky yellowish substance na napatunayang marijuana resin.’
Tumitimbang ang dalawang pouches ng 444 grams at 424 grams at nagkakahalaga ng P57,869.56.
Nasa pag-iingat na nina Philippine Drug Enforcement Agency Director General at Undersecretary Isagani Nerez ang droga.
“Hindi kami titigil sa pagsabat sa iligal na droga, maging ito man ay ipinapasok at inilalabas sa pamamagitan ng mga parcel o iba pang paraan.
Mananatiling mahigpit ang aming pagbabantay upang maprotektahan ang ating mga komunidad laban sa masamang dulot ng ipinagbabawal na gamot,” sabi ni Brig. Gen. Bartolome.

