Yedda K. Romualdez Namahagi si Tingog Party-list Rep. Yedda K. Romualdez ng bigas sa mga nasalanta ng baha sa Brgy. Tumana at Brgy. Malanday sa Marikina City.

BINAHA SA MARIKINA MAY BIGAS, KUMOT

399 Views
Yedda K. Romualdez
Si Tingog Party-list Rep. Yedda K. Romualdez ay nagtungo sa Marikina City upang mamigay ng bigas at kumot, bilang bahagi ng relief efforts ng Tingog sa mga lugar na tinamaan ng habagat sa Metro Manila at mga karatig probinsiya.

Mula Tingog, Speaker Romualdez 

NAMAHAGI ang Tingog Party-list, katuwang si Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez, ng bigas at kumot sa mga pamilyang nasalanta ng pagbaha sa Marikina City noong Huwebes, matapos ang patuloy na pag-ulan dulot ng habagat.

Pinangunahan nina Representatives Yedda Romualdez, Jude Acidre at Andrew Romualdez ang relief operations sa dalawang barangay.

Sa Barangay Tumana—isa sa mga lugar na mababa ang lokasyon at matinding naapektuhan ng pagbaha, partikular sa paligid ng Singkamas Court—1,000 pamilya ang nakatanggap ng tig-iisang sako ng bigas at mahigit 500 naman ang nabigyan ng kumot.

Katuwang din sa pamamahagi ng tulong sina Marikina 2nd District Rep. Miro Quimbo, dating Rep. Stella Quimbo, Councilor Ziffred Ancheta at Barangay Captain Akiko Centeno.

Isinagawa naman ang ikalawang yugto ng pamamahagi ng tulong sa Malanday Elementary School sa Barangay Malanday, kung saan 1,000 karagdagang sako ng bigas at mahigit 1,000 kumot ang naipamahagi, sa tulong nina Marikina 1st District Rep. Marcy Teodoro at Mayor Maan Teodoro.

“It’s hard to imagine the worry of a mother who doesn’t know where the next meal will come from after a flood,” pahayag ni Rep. Yedda Romualdez. “That’s why we came—not just to bring rice, but to bring comfort, to be present, and to let every family here know that they are seen, they are remembered, and they are not alone.”

Binigyang-diin ni Acidre na mahalaga ang maayos na koordinasyon sa mga lokal na opisyal upang agad maiparating ang tulong sa mga apektadong residente.

“When families are in crisis, presence matters,” ani Acidre. “We thank our partners in Marikina for working with us to ensure this assistance reached affected residents without delay.”

Ang pamimigay ng bigas ay bahagi ng mas malawak na relief efforts ng Tingog sa mga lugar na tinamaan ng habagat sa Metro Manila at mga karatig probinsiya.

Isinagawa na rin ang kahalintulad na operasyon sa Pasay, Maynila, Caloocan at iba pang lungsod sa National Capital Region.

Nagpapatuloy ang koordinasyon ng Tingog sa mga lokal na pamahalaan para maihatid ang mabilis at angkop na tulong sa mga pamilyang naapektuhan ng kalamidad.