Calendar
BOC hinarang parcels na puno ng amphetamine, Kush
NAHARANG ng mga agents ng Bureau of Customs-Ninoy Aquino International Airport (BOC-NAIA) ang tatlong abandonadong parcel na puno ng iba’t-ibang ilegal na droga noong Nob. 27 sa isang warehouse sa Pasay City.
Humigit-kumulang sa 280 gramo ng marijuana kush, 394 cannabis tablet at 77 gramo ng amphetamine ang laman ng mga abandonadong parcels, na pawang misdeclared para makaiwas sa inspeksyon.
Itinurn-over sa PDEA ang mga droga para sa karagdagang imbestigasyon at pagsasampa ng kaso sa paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) at RA 10863 (Customs Modernization and Tariff Act).
“Ang pagpapalakas ng proteksyon sa hangganan ay nananatiling pangunahing priyoridad. Ito ay bahagi ng aming patuloy na pangako na panatilihing ligtas ang aming mga daungan at protektahan ang publiko mula sa mga nakakapinsalang sangkap,” sabi ni District Collector Atty. Yasmin Mapa
Binigyang-diin ni BOC Commissioner Ariel Nepomuceno ang mas malawak na pagsisikap ng Bureau na palakasin ang mga hakbang sa seguridad.
“Ang kanilang mandato na i-secure ang mga hangganan ng bansa ay higit pa sa regular na pagpapatupad, nangangailangan ito ng patuloy na pagpapabuti, pakikipagtulungan, at kahandaan,” sabi ni Nepomuceno.

