PRO 4A may bagong hepe
Jul 11, 2026
Star factor di na narecover ni merlat
Jul 11, 2026
GINHAWA bill itinulak kontra inflation
Jul 11, 2026
Suspek sa panghahalay nahuli
Jul 11, 2026
Calendar
Nation
Solo bettor nahagip P155M jackpot sa lotto 6/58
Arlene Rivera
Dec 1, 2025
516
Views
NAHAGIP ng solo bettor ang P155 milyong jackpot sa Ultra Lotto 6/58 draw noong Linggo, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).
Nahulaan ng mananaya ang six winning numbers na 26‑08‑20‑03‑58‑28 para solohin ang jackpot prize.
Nabili ng mananaya ang winning ticket sa lotto outlet sa Gen. Trias City, Cavite, para makuha ang P155,223,593.80 jackpot, ayon sa report.
May 20 porsiyentong tax ang premyo ng nanalo.
Mayroon pang 24 bettors na nanalo ng tig-P120,000 dahil nakuha nila ang lima mula sa anim na winning combination.
Binobola ang Ultra Lotto 6/58 tuwing Martes, Biyernes at Linggo.
GINHAWA bill itinulak kontra inflation
Jul 11, 2026
Garin rumesbak sa pambu-bully ng DDS
Jul 11, 2026
