Just In

Calendar

June 2026
M T W T F S S
1234567
891011121314
15161718192021
22232425262728
2930  
BOC

BOC nagtapon ng forfeited items

Jon-jon Reyes Dec 9, 2025
319 Views

ITINAPON ng Bureau of Customs (BOC) sa Port of Zamboanga ang mga forfeited assorted goods noong Martes.

Kasama sa mga itinapon ang 281 balde ng used clothing at 153 na sako ng asukal.

Dati nang na-forfeit ang mga itinapon na gamit dahil sa paglabag sa RA 4653 at RA 9711 ng Customs Modernization and Tariff Act (CMTA).

Tiniyak ni BOC Commissioner Ariel Nepomuceno na isusulong ang transparency at accountability sa mga operasyon ng BOC.

Dumalo sa aktibidad ang mga kinatawan ng mga local government units.

Inimbitahan din ang Sugar Regulatory Administration at ang Commission on Audit.

“Sa kabila ng pag-agaw ng mga ipinagbabawal na produkto, dapat nating tiyakin ang kanilang wasto at ligtas na pagtatapon upang maiwasan ang panganib o pinsala sa publiko at sa kapaligiran,” sabi ni Commissioner Nepomuceno.