caloocan File photo ng napakainit na pagtanggap ng mga Manilenyo kina Manila mayoral bet Atty. Alex Lopez at presidential candidate Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. sa kanilang caravan sa siyudad. File photo ni JON-JON REYES

Boto ng Maynila hindi masosolo ni Isko; BBM type ng mga Manileño

321 Views

HINDI umano masosolo ni Mayor Isko Moreno ang boto ng mga taga-Maynila.

At batay sa dami ng tao na lumabas upang magpakita ng suporta, sinabi ni mayoral candidate Alex Lopez na malamang ay si presidential candidate Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. ang manalo sa kapitolyo ng bansa.

“He has the vision, he has the heart, he has the will power … At sa galing niya and sa competence niya, with his vision, I think he will make the best president,” sabi ni Lopez.

Iginiit rin ni Lopez ang kahalagahan na tugunan ang panawagan ni Marcos at ng running mate nitong si vice presidential candidate Sara Duterte na magkaisa at kailangan na umano ng pagbabago sa Maynila upang umunlad ang pamumuhay ng mga residente rito.

“We are calling for unity to support BBM and Sara, and we are also calling for change, a drastic change for the people of Manila. It’s about time that we uplift the lives of the poor,” dagdag pa ni Lopez.

Libo-libong residente ang lumabas para makita si Marcos na bumiyahe mula Parola hanggang Herbosa sa Tondo.

Sinabi ni Lopez na sa halip na makaikot sa tatlong distrito ay sa isang distrito na lamang nakaikot si Marcos matapos na mahirapang umusad ang motorcade dahil sa dami ng tao.

Humingi ng paumanhin si Lopez sa mga naghintay na residente na hindi na nila napuntahan.

“Alam ko madaming naghintay dahil may mga announcements but we are thankful for their warm reception,” dagdag pa ni Lopez.