BPSU

BPSU College of Medicine bukas na

Christian Supnad Jan 26, 2026
196 Views

BALANGA CITY–Binuksan na ang kauna-unahang College of Medicine sa Bataan Peninsula State University ( BPSU) main campus noong January 26.

Isinagawa ang blessing na pinangunahan nina Gov. Joet Garcia, Vice Governor Cris Garcia, BPSU President Ruby B. Santos-Matibag, Vice President for Academic Affairs Jaime Forbes, Dean of College of Medicine Dr. Red Mendoza sa pangunguna ni Reb. Padre Noel Nuguid bilang hudyat ng pagsisimula ng bagong yugto sa larangan ng edukasyong medikal sa lalawigan.

Sinabi ni Congresswoman Gila Garcia na ang pagbubukas ng BPSU College of Medicine ay “isang malaking hakbang upang mas mapalapit at maging mas abot-kaya ang pag-aaral ng medisina para sa mga Bataeño.”

Inaasahang makatutulong ang programang ito sa paglinang ng mga homegrown doctors na magsisilbi at mag-aalaga sa kalusugan ng mga mamamayan ng Bataan sa hinaharap.

Kilala ang BPSU na magaling sa medical courses dahil palaging nangunguna ang mga estudyante nito sa mga board examinations.