Magsasaka, ‘nag-sideline’ sa droga, boga
Oct 30, 2026
Calendar
Provincial
Building na itatayo sa Maragondon nag-groundbreaking
Dennis Abrina
Oct 9, 2026
130
Views
MARAGONDON, CAVITE–Simula na ang konstruksyon ng three-storey, nine-classroom school building sa Maragondon Elementary School noong Huwebes sa Brgy Garita A sa lugar na ito.
Pinangunahan ni acting Mayor Lorenzo Miguel Arca at District Board Member Jasmin Maligaya ang groundbreaking.
Layunin ng proyekto na madagdagan ang mga silid-aralan at makapagbigay ng mas maayos na kapaligiran sa pagkatuto para sa mga mag-aaral at guro.
Tampok din sa programa ang paglalagay ng time capsule bilang paggunita sa pagsisimula ng proyektong inaasahang magbibigay ng pangmatagalang benepisyo sa komunidad ng paaralan.
Ang proyekto ay sumasailalim sa adhikain ng Unlad-Angat ng Maragondon na patuloy na isinusulong ang mga proyektong magpapalakas sa edukasyon.
Magsasaka, ‘nag-sideline’ sa droga, boga
Oct 30, 2026
Laguna gov tututukan infra projects
Oct 29, 2026

