Calendar
Speaker Dy dinala LegisHear sa Laguna
MISMONG si House Speaker Faustino “Bojie” Dy III ang namumo sa ginanap na LegisHear sa Rizal Memorial Stadium sa Calamba City, Laguna noong Biyernes na dinaluhan ng mga kongresista ng Laguna.
Winelcome ni Laguna Gov. Sol Aragones ang team ni Spaker Dy at buong suporta ang programa ng Kongreso upang maiparating ang adhikain para sa mga tao.
Kabilang sa mga dumalo sa pagtitipon sina Cong. Loreto “Amben” Amante, Cong. Benjie Agarao, Cong. Ramil Hernandez, Cong. Ann Matibag, Cong. Atty. Arman Dimaguila, Cong. Charisse Hernandez at Cong. Roy Gonzales.
Nagsilbing pagkakataon ang LegisHear upang pagtibayin ang ugnayan ng mga mambabatas at talakayin ang mahahalagang usapin tungkol sa paggawa ng batas, mga programa ng pamahalaan at mga hakbang na naglalayong tumugon sa pangangailangan ng mga mamamayan.
Binigyang-diin ng pagtitipon ang kahalagahan ng koordinasyon at pagtutulungan ng mga kinatawan ng pamahalaan sa pagsusulong ng mga panukala at programang makatutulong sa mga komunidad.
Sa pamamagitan ng mga ganitong pagtitipon, inaasahang higit na mapalalakas ang koordinasyon sa pagitan ng mga mambabatas at mga lokal na pinuno upang maisulong ang mga serbisyong pampubliko at mga inisyatibang makatutulong sa kapakanan ng mga mamamayan.
Ang LegisHear ay nagsilbing pagtitipon ng mga lider sa pamahalaan sa Laguna na nagbibigay-diin sa papel ng ugnayan, konsultasyon at sama-samang pagkilos sa pagsusulong ng mga batas at programang naglalayong maghatid ng serbisyo sa publiko.
