Calendar
Bumbero pinuri sa pagtugon di lang sa sunog kundi sa lahat ng sakuna
NANAWAGAN si Senadora Camille Villar sa mga miyembro ng Bureau of Fire Protection–National Capital Region (BFP-NCR) na patuloy na magsilbi sa bayan nang may puso, disiplina, at dedikasyon, sa pagdiriwang ng ika-34 na anibersaryo ng ahensya.
Binigyang-diin ni Villar na ang papel ng mga bumbero ay hindi lamang nakatuon sa pag-apula ng apoy kundi sa kabuuang misyon ng pagbibigay-proteksyon sa publiko lalot sa panahon ng mga sakuna tulad ng sunog.
“Ang pagdiriwang na ito ay hindi lang pagbabalik-tanaw. Isa rin itong pagtanaw sa kinabukasan—isang panawagan na magpatuloy kayo sa inyong sinimulan: na maging apoy ng malasakit, liwanag ng serbisyo, at haligi ng kaligtasan para sa bawat Pilipino,” ani Villar.
Iginiit ng senadora na kailangan ang tuloy-tuloy na presensya ng BFP sa bawat komunidad upang mapanatili ang ligtas at maayos na pamumuhay gayundin ng tamang edukasyon at pagpapaliwanag sa mga mamamayan kung paano ang dapat nilang gawin sakaling may mga insidente ng sunog na maaaring kaagad maapula kung maaagapan lamang.
“Ang Bureau of Fire Protection ay hindi lamang grupo ng mga bumberong lumalaban sa apoy… mga unang tumutugon sa sakuna, mga tagapaghahatid ng pag-asa sa gitna ng panganib,” wika pa ng senadora.
Tinukoy ni Villar na ang mga bumbero ay “mga tagapagtanggol ng buhay” na sumasagisag sa tapang at malasakit, lalo na tuwing may krisis.
“Ang inyong presensya sa bawat barangay, sa bawat lungsod, at sa bawat bahay na tinutulungan nyong iligtas—ay patunay na ang BFP ay isang buhay naisimbulo ng malasakit at katapangan,” dagdag niya.
Pinuri rin ni Villar at binigyang-halaga ang temang “Apoy ng Serbisyong Kapital,” na aniya’y sumasalamin sa papel ng BFP sa urbanong proteksyon at agarang pagtugon sa mga kasong maituturin na emergency tulad ng sunog kung saan ay agaran na nakikilahok sa mabilis na paraaan ang ating mga bumbero para iligtas ang maraming buhay..
Sa pagtatapos ng kanyang mensahe, muling ipinaalala ng senadora ang tungkulin ng mga bumbero sa bawat tawag ng paglilingkod: “that firefighters continue to serve with excellence, discipline, and heart, upholding their duty to protect the public in every call to action.”

