Calendar
Binasahan ni Pat Princess Elaine Dungca ang akusado ng mga karapatang konstitusyonal sa wikang alam niya.
Bus driver ‘ginarahe’ ng parak sa pagnenenok, pananakot
SWAK sa selda ang 44-anyos na bus driver sa mga operatiba ng MPD-District Special Operation Unit (DSOU) sa custodial facility ng MPD-DSOU sa United Nations Avenue, Brgy. 660-A, Ermita, Maynila noong Lunes para sa krimeng robbery with violence against or intimidation of person
Nakilala ang suspek na si alyas Reagan, residente ng G Tuazon St., Brgy. 422, Sampaloc, Maynila.
Ayon kay Police Major Manuel Laderas, acting chief ng DSOU-MPD, bandang alas-9:25 ng umaga nang basahan ng mandamiento de arresto ang suspek sa loob ng selda.
Nahuli siya sa operasyon ng mga operatiba ng MPD-DSOU, sa pamumuno ni PLt. Kelly James Isip mula sa warrant of arrest na inisyu ni Judge Jose Covarrubias III, Presiding Judge ng Regional Trial Court, Branch 35 ng Maynila. May inirekomendang piyansa na P100,000 para sa temporary liberty ng suspek.
Ang akusado ay nauna nang inaresto ng mga operatiba ng MPD dahil din sa robbery with violence against or intimidation of persons.

