Calendar
Buy-bust sa ‘Gapo P855K na marijuana nakuha
CAMP OLIVAS, San Fernando, Pampanga–Inaresto ng mga pulis ang dalawang pinaniniwalaang tulak at nasamsam ang mahigit P855,000 na halaga ng high-grade marijuana sa Olongapo City noong Martes.
Nahuli ang 2 sa Purok 6, Limbas St., Brgy. New Cabalan ng mga tauhan ng City Police Drug Enforcement Unit (CPDEU) ng Olongapo City.
Nasamsam mula sa mga suspek ang 490 gramo ng Kush na may halagang P735,000, isang kilo ng hinihinalang marijuana na nagkakahalaga ng P120,000, at P3,000 buy-bust money.
“Ang isinagawang operasyong ito ay sumasalamin sa aming patuloy na pagsisikap na pigilan ang pagpasok ng ilegal na droga sa ating mga komunidad,” sabi ni P/BGen. Rogelio Peñones, hepe ng Police Regional Office 3.
Idinagdag niya na lalo pang paiigtingin ang mga anti-illegal drug operation alinsunod sa agenda ng Philippine National Police.

