Isko

Campaign materials sa Maynila inalis

235 Views

INATASAN ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso ang ilang ahensiya ng lokal na pamahalaan na magsagawa ng “clearing operation” sa buong lungsod upang alisin ang mga campaign posters na nagsisilbi nang “eyesore” sa Maynila.

Sa ginawang pag-uulat ni Domagoso sa kanyang social media page, inatasan nito ang Department of Public Service (DPS), City Engineerings Office at City Electrician na tanggalin ang mga campaign paraphernalia na nasa bakod, pader, commercial areas, at mga kawad ng kuryente.

Ayon pa kay Domagoso, maaaring humingi ng tulong sa lokal na pamahalaan ang mga pribadong sektor upang maialis at linising tuluyan ang mga nakakabit sa kanila na mga campaign posters.

Aniya, malapit na umano ang panahon ng tag-ulan at maaaring bumara sa mga kanal at estero ang mga hindi natanggal na mga campaign posters na magdudulot ng pagbaha sa lungsod.