Just In

Calendar

July 2026
M T W T F S S
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
2728293031  
Phivolcs

CamSur niyanig ng magnitude 4.2 lindol

441 Views

Isang lindol na may lakas na magnitude 4.2 ang yumanig sa Camarines Sur gabi ng Miyerkoles, Hunyo 7.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) naramdaman lindol alas-6:16 ng gabi. Ang epicenter nito ay isang kilometro sa bayan ng Ragay at may lalim na dalawang kilometro.

Naitala ng mga instrumento ng PHIVOLCS ang mga sumusunod na Intensity:

Intensity V – Ragay, CAMARINES SUR

Intensity IV – Daet, CAMARINES NORTE; Sipocot, CAMARINES SUR

Intensity III – Pili, CAMARINES SUR; Guinayangan, QUEZON

Intensity II – Panganiban, CATANDUANES; Gumaca, QUEZON

Intensity I – Tinambac, at Iriga City, CAMARINES SUR; Mauban, Polillo, at Calauag, QUEZON.