Calendar
Personal na nagtungo si Akbayan Partylist Rep. Perci Cendaña sa National Bureau of Investigation (NBI) , kasama si JD Castro ng 1PWD, upang hilingin ang imbestigasyon sa maraming online post na umano’y lumalabag sa Magna Carta of Disabled Persons at sa Safe Spaces Act.
Cendaña nagreklamo vs posts na pinapahiya PWDs




PERSONAL na nagtungo si Akbayan Rep. Cendaña sa NBI upang maghain ng reklamo kasama ang mga tagapagtaguyod ng karapatan ng mga PWD laban sa mga online influencer dahil sa paglabag sa Magna Carta of Disabled Persons at Safe Spaces Act.
Nagsumite ng reklamo sa National Bureau of Investigation (NBI) si Akbayan Partylist Rep. Perci Cendaña, kasama si JD Castro ng 1PWD, upang ipaimbestiga ang ilang online posts na umano’y lumalabag sa Magna Carta of Disabled Persons at Safe Spaces Act.
“Hindi lang ito tungkol sa mga pag-atake sa akin. Sa huli, tungkol ito sa kung paano natin tinatrato ang mga ‘persons with disabilities’. Hindi dapat maging lugar ang anumang espasyo o plataporma—online man o offline upang pagtawanan, hiyain, at alisan ng dignidad ang mga PWD,” pahayag ni Cendaña.
“Walang sinuman, lalo na ang mga PWD, ang dapat dumanas ng patuloy na panghihiya online dahil lamang sa akala ng iba ay walang kaakibat na parusa ang pag-atake sa kanila. Hinihiling namin sa NBI na maghatid ng malinaw na mensahe: ang kapansanan ay hindi biro, at ang pag-alis ng dignidad sa mga PWD ay hindi katatawanan,” dagdag pa niya.

