Condos, house and lot prices in-update ng DHSUD, DEPDEV

Jun I Legaspi Dec 1, 2025
344 Views

NAGKASUNDO ang Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) at Department of Economy, Planning and Development (DEPDEV) na i-update ang price ceiling para sa house-and-lot packages at condominium units.

Tinanggap ni DHSUD Secretary Jose Ramon Aliling ang kasunduan na nilagdaan sa pamamagitan ng Joint Memorandum Circular (JMC) 2025-001 na malaking tulong sa Expanded Pambansang Pabahay para sa Pilipino (4PH) Program ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Bunga ng masinsinang konsultasyon sa mga stakeholders at masusing deliberasyon ng mga opisyal ng DHSUD at DEPDEV ang kasunduan, ayon kay Secretary Aliling.

“Alinsunod sa utos ng Pangulong Marcos Jr. para sa mas disente at may dignidad na pabahay, ang JMC na ito ay magbubunga ng mas dekalidad, mas magaganda at mas malalaking socialized housing units para sa ating mga homebuyers.

Syempre magiging motivation sa ating mga private partners na mag-develop ng mas maraming projects,” sabi ni Secretary Aliling.

“Mas maraming projects, mas maraming pagpipilian para sa ating mga homebuyers at syempre mas competitive na selling price,” dagdag pa niya.

Alinsunod ang pag-update ng price ceiling para sa socialized housing sa Republic Act 11201, ang batas na lumikha sa DHSUD.