61 Pugante, Huli sa CALABARZON
Oct 11, 2026
Calendar
Provincial
Convenience store naholdap ng P100K
Jojo Cesar Magsombol
Mar 2, 2026
363
Views
MAHIGIT P105,000 na benta ang natangay ng dalawang nakatakas na kawatan sa branch ng Alfamart na nilooban sa NHA Avenue, Brgy. Dela Paz, Antipolo City noong Linggo.
Isa sa dalawang kumana ay nakasuot ng yellow jacket at armado ng baril at sakay ng Honda Click motorcycle.
Biglang pumasok ang mga suspek at sumigaw ng “hold up ito” at itinaboy pa ng mga suspek ang mga customer na nasa loob ng convenience store at saka tumuloy sa storage room.
Inutusan ang isa sa mga nasa branch na si alyas John na buksan ang vault sabay bundol ng baril sa noo nito at tumakas na sakay ng motorsiklo patungo sa hindi malamang na direksyon.
Humingi ng tulong ang mga biktima sa kanilang area coordinator pero hindi nahuli ang mga suspek.
61 Pugante, Huli sa CALABARZON
Oct 11, 2026
Mag-jowa tiklo sa Batangas; P1M shabu, boga kubra
Oct 10, 2026
Boto ng mga katutubo, itinulak ng COMELEC sa Palawan
Oct 10, 2026
7TH MOBILE CLINIC NG SM FOUNDATION
Oct 10, 2026
2 LPA binabantayan, bagyo nasa labas ng PAR
Oct 10, 2026
Karagatan ng Batangas niyugyog ng M3.8 na lindol
Oct 10, 2026

