Laurel

DA execs sumama sa boodle fight

Cory Martinez Dec 12, 2025
174 Views

PINANGUNAHAN ng Department of Agriculture (DA) ang “boodle fights” sa walong fish ports at landing areas bilang bahagi ng Paskong Baybayin, isang programa ng ahensiya na binibigyang-pugay ang mga magsasaka at mangingisda.

Umabot sa 800 na magsasaka at mangingisda ang sumali sa mga communal feast sa Navotas City, Cavite, General Santos City, Palawan, Zamboanga Peninsula, Eastern Samar, Leyte Gulf area, at Isabela.

Ayon kay DA Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., nagsilbi ang okasyon na selebrasyon at pagtitiyak sa pangako ng pamahalaan na palakasin ang suporta sa agrikultura at pangingisda.

“It is our mission to make sure you feel that the government listens to you. You, our farmers and fisherfolk, play a central role in building a new Philippines,” ani Tiu Laurel.

“Nais ng Pangulo na ang ating food producers kumita nang maayos at mamuhay nang marangal sa tulong ng ating pamahalaan,” dagdag pa ng kalihim.

Inihahanda na ng DA ang pagpapakalat ng mahigit sa 20,000 extension worker sa buong bansa na siyang magbibigay ng technical guidance, production support, capacity-building sa fishing at community.

Paliwanag pa ni Tiu Laurel, palalawakin din ng ahensiya ang mga support service sa fisheries sector upang matiyak na makakatanggap ang mga coastal community ng matatag na oportunidad upang umunlad ang kanilang buhay.

Binigyang-diin nito ang paglipat sa data-driven policy-making upang matiyak ang mas malinaw at matatag na benepisyo para sa mga mangingisda at maayos na resource management.

Sinabi pa ni Tiu Laurel, ang tunay na diwa ng Pasko ay ang pagkakaisa, na siyang gagabay sa pagsulong ng sektor sa sustainable at inclusive growth.

“I hope we continue working together to advance a more resilient agriculture and fisheries sector,” ani Tiu Laurel.