Calendar
DA palalakasin hakbang vs food prices pressure
KINAKAILANGANG palakasin ang ang mga hakbang sa pagtugon sa pressure sa presyo ng mga pagkain, lalo na sa isda, baboy at manok, dahil sa pagtaas ng inflation noong Hunyo, ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr.
Sinabi ito ng kalihim matapos iulat ng Philippine Statistics Authority ang bahagyang pag-akyat ng inflation noong Hunyo sa 1.4 porsiyento mula sa six-year low na 1.3 percent noong Mayo.
Ang bigas, na kumakatawan sa ikatlong bahagi ng food basket, naitala ang record year-on-year na pagbaba ng presyo ng 14.3 percent noong Hunyo, matapos na bumaba ng 12.8 percent noong Mayo.
Maraming kaluwagan sa hinaharap ang aasahan sa presyo ng bigas dahil ibababa ng DA ang maximum suggested retail price sa imported na bigas (5 percent broken) sa P43 per kilo simula ngayong July 16.
Nakakapagpatibay sa inaasahang presyo ang pagpapalawak sa sakop ng P20 rice program ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ayon sa DA
“Ang good news ay gumagana ang ating inisyatiba sa bigas, pinapagaan nito ang gastos sa pagkain para sa milyon milyong Pilipino, lalong lalo na sa mga kinakapos sa pinansiyal. Subalit sinasabi rin ng datos na kailangan nating kumilos agad upang matugunan ang supply gaps sa baboy, manok at isda,” dagdag ng kalihim.
Sinabi pa ni Tiu Laurel na naghahanap na ang DA ng paraan upang mapalawak ang pagkukunan ng baboy at poultry dahil patuloy na nililimitahan ng African Swine Fever ang lokal na supply.
Upang masigurong makikinabang ang consumers sa imports, ipapatupad ang MSRP sa baboy ngayong Agosto, at isusunod ang manok sa September.

