DA

DA tutulungan mga magsasaka, mangingisda na apektado ng bagyo

Cory Martinez Sep 27, 2025
391 Views

TINIYAK ng Department of Agriculture (DA) na may nakahandang tulong sa mga magsasaka at mangingisda na naapektuhan ng habagat at bagyong Mirasol at Nando.

Kabilang sa mga tulong na ipapamahagi ng ahensya ay mga agricultural input tulad ng 142,219 bag ng palay seeds, 90,320 bag ng corn seeds at 40,518 kilograms ng vegetable seeds.

Para sa mga magsasaka, ipapamahagi ang may 1,651,623 piraso ng tilapia, bangus at carp fingerlings.

Magbibigay naman ang ahensiya sa mga magmamanok at magbababoy ng mga gamot at biologics para sa mga manok at baboy.

Kabilang pa sa pamamahaging tulong ang may 2,442,675 bag ng rice stocks mula sa National Food Authority (NFA) na ibibigay sa lokal na pamahalaan at iba pang mga relief agency.

Aabot naman sa P25,000 ang maaaring utangin mula sa Survival and Recovery (SURE) Loan Program ng Agricultural Credit Policy Council (ACPC), na babayaran sa loob ng tatlong taon na walang interes.

Babayaran naman ng Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC) ang apektadong magsasaka na naka-insure.