Disaster

PNP tuloy ang tulong sa mga biktima ng bagyo

Alfred Dalizon Sep 27, 2025
418 Views

PATULOY ang disaster-response operations ng mga pulis para sa mga biktima ng bagyong Opong noong Sabado dala ng pagbuti ng panahon.

Ayon kay acting Philippine National Police (PNP) chief Lieutenant General Jose Melencio C. Nartatez Jr., tuloy ang operasyon sa pagtulong sa mga nabiktima ng bagyo kahit wala na sa bansa ang bagyo.

Nasa 7,554 pulis mula sa Police Regional Offices 1, 2, 3, 4A, 4B, 5, 6, 7, 8, 13, the Negros Island Region (NIR) at National Capital Region Police Office ang naka-deploy.

Mayroon pang 11,118 miyembro ng Reactionary Standby Support Force ang nakaantabay para sa clearing operations at relief distribution.

Nasa 32,000 evacuation centers na tinutuluyan ng 600,000 katao ang binabantayan ng PNP, ayon sa report.

Ayon sa report, mayroong 477 flooded barangays, 52 impassable roads at 12 damaged bridges ang iniwang pinsala ng bagyong Opong, ayon kay PNP spokesperson Brigadier Gen. Randulf T. Tuaño.

Gumawa ng 47 search, rescue and retrieval operations ang mga pulis na nakasagip ng 6,627 individuals, ayon sa PNP.

“Even as Typhoon Opong moves away, our mission is not over. We remain on the ground to help communities recover, restore order, and ensure that every family receives the assistance they need,” sabi ni Lt. Gen. Nartatez.