Calendar
Arestado ang mag amang suspek na sumaksak sa biktima sa Crisolita St., Brgy. 767, San Andres Bukid, Maynila. JONJON C. REYES
Dahil sa tangkang pagpatay, mag-ama kulong
ARESTADO ang mag-ama ng mga operatiba ng Manila Police District-Sta. Ana Police Station 6 dahil sa frustrated murder sa Crisolita St., Brgy. 767, San Andres Bukid, Maynila noong Miyerkules.
Ayon kay Police Lieutenant Colonel Inocencio Villanueva, hepe ng MPD-Sta Ana Police Station 6, bandang alas-12:47 ng madaling araw ng mangyari ang pananaksak sa biktima nina alyas Ariel, 45; at Angelito, 21.
Base sa saksing si alyas Catherine, bumili ng yelo ang isang suspek ng magkrus ang landas nila ng biktima na si alyas Raymond, 27.
Makalipas ang ilang sandali bumalik ang suspek kasama na ang kanyang anak na si Angelito at doon na sinaksak ang biktima habang nakaupo.
Isinugod ang biktima sa Bagong Ospital Ng Maynila at rumesponde sina Pat John Paul Arciaga, Pat Ruby Ann Joe Gancero ng Dagonoy PCP.
Nakuha sa suspek ang isang bolo na 11 pulgada.
Ang mga tauhan ng Dagonoy PCP ay naglunsad ng pursuit operation na nagresulta sa pagkakaaresto ng mga suspek.
Iginiit ng amang suspek na binosohan ang anak niya ng biktima pero pinabulaanan ng ina ng biktima.
