Calendar
District Barangay Ugnayan dinaluhan ng mga opisyal ng MPD

DUMALO si Manila Police District (MPD) chief P/BGen. Arnold Santiago sa District Barangay Ugnayan kasama sina P/Col. Aldrine Gran at P/Col. Dyan Agustin sa Everwin Hotel sa San Andres St., Manila.
Ang District Barangay Ugnayan ay nasasakupan ni Police Lieutenant Colonel Maria Agbon.
Nagkaroon ng diskusyon at hinaing mula sa mga punong barangay kaugnay sa problema sa kanilang lugar na niresolba ni Santiago kaya nagpasalamat si Agbon.
Pinangunahan din ni Santiago, P/Lt. Col June Paolo Abrasado ang 63 barangay chairpersons sa events sa Casa Blanca, Intramuros, Manila.
Ang aktibidad ay nagsilbing plataporma upang palakasin ang tulungan ng pulisya at komunidad at talakayin ang mga pangunahing alalahanin sa mga lugar.
Ang Manila Police District at Ermita Police Station ay nakatuon sa pagpapaunlad ng ugnayan sa komunidad at pagtataguyod ng mas ligtas na kapaligiran.
Tinungo din ni Santiago ang Baseco Police Station 13 sa ilalim ni Police Lieutenant Colonel Rommel Anicete.
“Ugaliin natin ang pakikipag ugnayan sa mga mamamayan, mga barangay opisyal at mga tanod.
Maari kayong tumawag sa aking tanggapan dahil ito ay bukas 24 oras at ating pag usapan ang inyong mga problema,” sabi ng pulis.
