Calendar
Metro
Parak-Caloocan nakatiklo ng 2 tulak
Edd Reyes
Jun 20, 2026
166
Views
TIMBOG ang dalawang suspek na tulak ng ilegal na droga noong Biyernes sa Caloocan City.
Kinilala ni Northern Police District (NPD) Director Benliner Capili ang mga nadakip na sina alyas Prince, 24, at alyas Aljon, 34.
Isinagawa ang operasyon dakong alas-5:13 ng hapon sa C. Name St., Brgy. 36 matapos makipagtransaksiyon si alyas Prince sa isang tauhan ng Caloocan Police Station Drug Enforcement Unit.
Bukod sa 64.97 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P441,796 na nakumpiska sa dalawa, nakuhanan pa sila ng 14.76 na gramo ng marijuana kush na nagkakahalaga ng P20,664.00 at P6,500 na markadong salapi na ginamitan ng boodle money.
Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drug Act sa Caloocan City Prosecuto’s Office.
Nakaw na motor itinulak, nagtutulak tiklo
Aug 4, 2026
2 tricycle driver nag-away; 1 nawalan ng buhay
Aug 4, 2026
KELOT SUGATAN MATAPOS ‘IED’ NA KINALIKOT SUMABOG
Aug 4, 2026
Kelot nasabat sa maraming bilang na cybercrime
Aug 4, 2026

